karugtong...Natalo. Kinain ka ng sarili mong maling gawa. Humantong ka sa matinding pagkawasak.
Ano ang kasunod? Para sa akin at sa mga taong sa KANYA nakatuon ang mga lumuluhang mga mata, ito ay isang simula.
Magandang simula - dahil dito ating makikita ang pamamayagpag ng kabutihan ng Diyos at ang pag-apaw ng Kanyang pag-ibig. Dito iyong mararanasang baguhin ng Kanyang mga kamay.
Sa iyong paningin tila iyon na ang iyong katapusan. Ngunit, hindi pala. Hindi pala! Simula ito ng Kanyang pagpapakita ng Kanyang pag-ibig - walang hanggang pag-ibig. Hinayaan Niyang matalo ka hindi sa kung ano pa mang dahilan. Ang layunin ay maipakita sa iyo, nang malinaw, ang katotohanang, ang sarili mong lakas at talino ay walang panama sa bagsik ng kalaban. Walang panama.
Kailangan maihayag ang katotohanang kaya may namatay sa krus para tayo ay mabuhay.
Kailangan natin mamatay sa kasalanan upang tayo ay ay muling mabuhay sa pagkakilala sa Kanya.

No comments:
Post a Comment