Isang araw ka nang lugmok sa kasalanan. Ninais mong ito'y tigilan; tinangka mong isalba ang sarili; pinilit mong pagandahin ang sitwasyon pero ang lahat ay walang panama sa tindi ng tadyak ng Kasalanan sa iyong tagiliran. Namimilipit ka ngayon sa sakit. Hindi ka makabangon. Hiyang hiya ka sa pagkatalo mo. Di mo alam ang gagawin mo. Sa ngayon, puno ang puso mo ng panghihinayang, ng
lungkot, ng sama ng loob, ng mga katanungan.
Palagi na lang bang ganito? kailan ka ba mahihinto sa pagkatalo sa laban mo na 'to? Anung susunod sa pangyayaring 'to?
Wala eh. Di mo talaga kayang patumbahin ang kaaway mong nang-aalipin sa 'yo. Sunud-sunuran ka sa lahat ng kanyang ipinagagawa. Kayang-kaya ka niyang paikut-ikutin. Dinig na dinig mo ang lakas ng kanyang halakhak na tila tuwang-tuwa sa iyong pagkadapa at paghalik sa lupa hanggang ang sarili mong suka ay dumampi na sa iyong mga labi.
Sa mga pagkakataong ganito, wala na ngang ibang makakapagpabago ng iyong masaklap na sitwasyon dahil sa KASALANAN. Lalo na kung IKAW MISMO ang ayaw magpabago
itutuloy...
lungkot, ng sama ng loob, ng mga katanungan.Palagi na lang bang ganito? kailan ka ba mahihinto sa pagkatalo sa laban mo na 'to? Anung susunod sa pangyayaring 'to?
Wala eh. Di mo talaga kayang patumbahin ang kaaway mong nang-aalipin sa 'yo. Sunud-sunuran ka sa lahat ng kanyang ipinagagawa. Kayang-kaya ka niyang paikut-ikutin. Dinig na dinig mo ang lakas ng kanyang halakhak na tila tuwang-tuwa sa iyong pagkadapa at paghalik sa lupa hanggang ang sarili mong suka ay dumampi na sa iyong mga labi.
Sa mga pagkakataong ganito, wala na ngang ibang makakapagpabago ng iyong masaklap na sitwasyon dahil sa KASALANAN. Lalo na kung IKAW MISMO ang ayaw magpabago
itutuloy...

No comments:
Post a Comment