Thursday, November 12, 2009

PERA

Kailangan ko nang pera. High Endurance deodorant is worth P120 - P130. My hair soap, the one which claims to be the number one anti-dandruff shampoo, is worth P120. A single meal is worth P40 - P50, extra-rice included. Naku, hindi naman binabagsak ng langit ang mga pangangailangan ko. At para magkaliwanag ang bahay, aba'y kailangan ko magbayad ng ilaw, ok. Buti na lang at binata pa ako. Minsan naiisip ko paano na lang kaya kapag ako ay nag-asawa na.

Wala naman talaga akong marami nito. May ipon ako, pero hindi pa sapat para makabili ng bahay o ng isang second-hand na kotse. Buti na lamang hindi ko kinahiligan ang pag-bili ng gadgets. Minsan naiisip ko, paano kaya kung ang kinahuhumalingan ko ay pagkolekta ng mga mamahaling mga gamit na ito.

Panalo na ang lalaking kasabay kong nanliligaw sa isang magandang babae kung pera ang labanan. Malamang uuwi akong luhaan. Panalo na ang kalaban ko sa court room kung pera ang basehan ng batas. Panalo na ang kalungkutan kung sa pera nakatali ang kasiyahan ko.

Yun ay kung pera ang labanan, ang basehan o ang pinagmululan ng tagumpay sa anumang aspeto ng buhay. PERO, HINDI PERA ANG NAGPAPAIKOT SA MUNDO KO. Sana sa mundo mo rin. Lalo na kung nauunawaan mo ang kahalagahan ng pagiging kontento sa buhay mo.

You're not gonna stop dreaming. You're not gonna quit asking from God the things you want to have. But be sure you understand well enough that JOY IS AND SHOULD NOT BE DIRECTLY PROPORTIONAL TO THE AMOUNT OF MONEY YOU HAVE IN YOUR POCKET.

So, stay happy!! :D

No comments:

Post a Comment