Tuesday, July 6, 2010

Kamusta ang 808?

Hindi sa dami nakikita ang pagiging matagumpay ng isang "evangelistic event". Hindi rin sa init ng pagtanggap ng mga tao sa programang inihanda. Oo, maaaring parte ang mga ito ng kabuang tagumpay pero hindi ang mga ito ang nagsasabing tapos na ang lahat.

Kamusta na kaya sila? Silang 808 na mga kabataang dumalo sa HARDROCK? sila na naging saksi sa bawat parte ng programa. Sila na, maski maalinsangan ang panahon, piniling dumalo sa nasabing gawain. Kamusta na kaya sila?

Lagpas 500 sa kanila ang dumalo sa ganoong uri ng gawain sa unang pagkakataon. Masasabi mo talagang naghanda ang marami para makapagdala ng kaibigan, ng kaklase, ng kapatid o di naman kaya, maging ng kaaway. Marami silang dumalo. Nawa'y marami rin ang manatili sa pagkilala kay Hesus. Mahirap man umpisahan, pero nararapat lamang na muling balikan sila at kamustahin. Nararapat lamang na patuloy na diligan ang buto na salita ng Diyos na naitanim sa kanila. Hindi pwedeng pabayaan sila.

Nakakapagod walang duda ang magsagawa ng ganitong uri ng programa, pero walang panama ito sa tindi ng kagalakan na nadarama ko mismo bilang parte ng grupo ng mga kabataang ginamit ng Diyos para makakilala kay Kristo at mapalakas ng Kanyang salita ang mas marami pang iba. Pero hindi natatapos sa nadarama ang lahat. Marami pang gagawin. Marami pa. Kaya...

...tama na ang salita.



2 comments: