Friday, January 8, 2010

malambot na unan

Mula noong bata pa ako, ang unan na malambot na meron ako ang yakap-yakap ko sa tuwing ako'y matutulog. Kinakagat, nilalamutak, pinangigigilan ko ito sa tuwing mapapasa-kamay ko. Dumaan ang panahon, di nagbago ang naging papel ng malambot na unan kong ito sa aking buhay. Siya ang unan na tila may hiwaga. Minsan, mainit ang ulo ko dahil sa isang pangyayari sa bahay. Sa pagpunta ko sa aking silid, nakita at nahawakan ko ang malambot na unan kong ito. Nanggigil ako. At sa sobrang gigil ko, kinagat-kagat ko ito. At natawa na lang ako sa sarili ko nang makita ko sa salamin ang ginagawa ko. Parang isang batang naghihimutok dahil naagawan ng kendi ang aking mukha nang biglang napahinahon ng isang malambot na unan na nakagigigil.

Talagang iba siya sa lahat ng aming unan sa bahay.


Parang ikaw...parang ikaw.

No comments:

Post a Comment